Casa Real
C A S A R E A L
Marami
tayong hindi nalalaman tungkol sa sarili nating kasaysayan. Ngunit mayroong
tinayo na mga museo upang muling ipaalala ang kasaysayan ng Pilipinas at kung
saan tayo nagsimula. Ito'y itinayo upang mapanatili ang kasaysayan ng Pilipinas
at matunghayan ito ng mamamayang Pilipino, mga dayuhan, at sa bagong
henerasyon.
Halina't subaybayan ang Museo ng kasaysayang
pampulitika ng Pilipinas.
Press Printing (1898-1899)
Ito ay sinaunang printing machine noong kapanahunan ni Aguinaldo.
Barangay o Balanghai
Ang pinakasimpleng yunit ng lipunan. Ito ang pinakamatandang sasakyang pandagat sa Pilipinas na kayang maglulan ng 30 hanggang 100 na pamilya.
Ito ang unang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino. Karaniwan itong isinusulat sa kawayan, palayok at bato
Manunggul Jar
Pinaniniwalaan ng mga tao noon na mayroong ikalawang buhay. Hinuhukay nila ang mga buto ng mga yumao at inilalagay rito. Itinatabi nila ito sa kuweba.
Sinaunang Sandata
Hindi pa man dumarating ang mga mananakop, mayroon na tayong kaalaman sa paggawa at paggamit ng mga sandata. Ginagamit din nila ito sa pang araw-araw na pamumuhay at sa pakikipaglaban.
Kalakalang Galyon
Unang kalakalang interpasipiko na naguugnay sa China, India at iba pang bahagi ng Asya. Ang kalakalang Galyon ay isang beses lamang nagluluwas ng mga produkto sa isang taon.
Paglalakbay ng mga Espanyol sa Asya dantaong 16
Ang mga pampalasa ang naging unang pangunahing pang akit ng Asya sa mga Europeo.
Bajo La Campana
Sinaunang kampana noong panahon ni Aguinaldo
Luzon, Visayas, Mindanao
Sila ang mga diyos at diyosa na sinasamba ng mga Pilipino noong hindi pa nasasakop ng Espanyol ang bansang Pilipinas.
Natirang bahagi ng Casa Real
Ito ang mga natirang bahagi ng Casa Real. Noon ay ipinagiba ang museo, ngunit ibinalik din naman. Ngunit ito na lamang ang mga naipreserbang mga kahoy sa Casa Real.
Halina't matuto at maglakbay
Luzon, Visayas, Mindanao
Sila ang mga diyos at diyosa na sinasamba ng mga Pilipino noong hindi pa nasasakop ng Espanyol ang bansang Pilipinas.
Natirang bahagi ng Casa Real
Halina't matuto at maglakbay
Nakakatuwang isipin na marami kaming natutunan sa aming napuntahan. Hindi man ito kalakihan kumpara sa museo na natatagpuan sa Maynila, ngunit kami'y nagagalak dahil nabigyan kami ng oportunidad upang makapasok sa museo na ito.
Tayong mga Pilipino, kapag may nagtanong saatin tungkol sa kasaysayan, ay marami tayong hindi nasasagot. Kaya't naisip namin na mas nakaka-engganyo kung ang aming tema ay tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming mga kagamitan na nakamamangha. At ang pinaka-nakaagaw ng aming pansin ay ang "Manunggul Jar". Bigla naming naisip ang palabas na Super Maam. Pati guwardiya sa museo ay natatawa dahil sa aming reaksyon.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteVery informative blog about to Philippine history. Great blog thumbs up (y).
ReplyDeleteMagandang blog dahil dito mas lalo nating mauunawaan ang ating sariling history at magkakaron ng bagong kaalaman.
ReplyDeleteNice blog and full of information to our history.
ReplyDelete